Sunday, February 6, 2011

PAYONG KAIBIGAN

isang thread ng BrewRATS Republic. Nagtanong ang thread starter kung ano daw ang "magandang paraan"para matanggal ang mga pimples.
Ito ang sagot ng ating mga concerned citizens.


1. Maghiwa ka ng bawang tapos ipahid mo sa tigyawat epektib kaso mahapdi.
2. 'wag kumain ng mani para di lalong dumami ( mawala nga eh)
3. SureBALL to, Panalo ka pero talo ang iyong bulsa, pumunta ka kay Doctora Vicky Belo.
4. Ipatabas mo ang iyong mukha.
5. Muriatic acid, kaso pati mukha mo, burado.
6. Ipahid mo yung pinagreglahan mo sa mukha mo (pa'no kung lalake?)
7. Ipag pray mo na lang na mawala 'yang tigyawat mo (wasak 'to)
8. Mag pa Face transplant ka.
9. Isipin mo na lang na wala kang pimples
10. Study hard
11. Maghilamos ka ng gasolina, tapos, sindihan mo.
12. I-nail cutter ang tigyawat.
13. Umpog mo ang mukha mo sa pader.
14. Ihilamos ang lupa galing sa bahay ng anay (ung may mga anay pa dapat)


Pero ito talaga ang tingin kong pinaka epektib sa kanilang lahat.


15. Gumamit ka ng Adobe Photoshop.

Sana makatulong ang mga tips na yan para mawala ang mga tigyawat na pume peste sa'yo.